Pag ba naipakulong at napababa nyo sa pwesto yang chief justice na yan, makakakain na ang mga nagugutom? Mabibigyan na ba ng bahay ang mga natutulog sa kalsada? Aahon na ba sa hirap ang mga kababayan nating patuloy inaasa na lang sa “bahala na” ang pang-araw araw na pamumuhay?
Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako. Habang naririnig ko ang balita mula sa telebisyon sa kabilang kwarto, umiinit ang ulo ko. Bakit ba hindi nila makita kung ano dapat ang bigyan ng pansin sa bansang ito?
(via thoughtsphotographs)